by: Jen
Bumungad sakin ang malamig at nakakatamad na umaga noong Desiyembre 31, 2018. Ilang oras nalang pala ay magpapalit na ang taon. Sadyang napakabilis ng oras na tipong hindi natin namamalayan na may papasok nanamang bagong taon, bagong pag-asa at bagong pagsubok.
Hindi magkandaugaga ang mga tao sa bahay dahil sa dami ng kailangan nilang lutuin, bakas narin sa mga mukha ang saya at pagkasabik sa pagpalit ng taon. Maulan man ang aming umaga hindi ito naging hadlang sa amin, bandang alas-singko ng hapon ay handa na ang lahat ng kakailanganin para sa “Year end party”. Halos mapuno ang isang mahabang lamesa ng pagkain, may Kaldereta, Afritada, Buttered Shrimp, Bulalo, Barbeque, Isaw, at mga panghimagas katulad ng Leche Flan, Coffee Jelly at ang sikat na sikat na Buko Salad. Mukhang hindi ko na kayang mahintay pa ang Media Noche...
Bago magsimula ang programa may panimulang panalangin na susundan ng pagpapakilala ng bawat pamilya. Ibat-ibang laro din ang aking sinalihan at sulit lahat ng pagod lalo na’t kapalit nun ay walang katumbas na saya.
Limang minuto bago mag countdown ay inalala ko lahat ng mga natutunan ko at sa lahat ng biyayang bigay ng nasa taas. Nagpasalamat din ako sa mga taong naging bahagi ng buhay ko, at sa mga taong nanatili at patuloy na mananatili.
At sa pagmulat ng aking mga mata... sabay-sabay kaming bumilang 5... 4... 3... 2... 1
0 comments