A Quick Getaway

By TINTA HUMSS 12 - March 24, 2019


by: Rommaine



Hindi mapawi ang mga ngiti saaking labi noong panahon na aking nalaman na kami ng aking pamilya ay pupunta sa Pangasinan: ang lugar at ang tahanan na laging bukas at handang tumanggap saaming lahat. 
Sobrang bilis ng tibok ng puso ko sa sobrang kagalakan. Ako’y nagagalak, dahil sa wakas ay akin na ulit makikita ang mga Pinsan ko at mga Tituhin ay Tiyahin. 

Sa aming paglalakbay, kami ay sinalubong ng napaka init na araw, ngunit hindi ito naging sagabal upang tahakin namin ng patuloy ang daan patungo sa aming napiling destinasyon. Punong puno ng halakhakan at kasiyahan ang aming sinasakyan dahil ang lahat ay nagagalak sa byahe. 

Noong kami’y nakarating na ay wala kaming sinayang na oras at lahat ay aming ginawa at pinagsaluhan ng magkakasama. Lumangoy kami sa Dagat at naglibot libot sa iba’t-ibang lugar. At para saakin ito ang pinaka memorableng bakasyon dahil sa mailkling panahon ay puno ng kasiyahan at kaligayan ang namutawi. 

  • Share:

You Might Also Like

0 comments