Spoken Word Poetry

By TINTA HUMSS 12 - March 20, 2019


by: Raph

So this winning piece of my Spoken Word Poetry is very memorable to me because I didn't expect that I will be the champion knowing that there were good writers than me, also the challenge about this is that it should be related to the theme about Nutrion Month so its a big HOW to me but then I just tried to write drafts but then it went good so I just keep on writing and writing to the point that I have already made a good poem about it, so here it is...

"Ugaliing magtanim, Sapat na Nutrisyon Aanihin”, Ito ay isang pangungusap na maraming kahulugan, kahulugan na maaaring ihalintulad sa mundong ating ginagalawan, sa kung paano lahat ng mabuti ay makuha at ang hindi maganda ay ating maiwasan, sa simpleng pagkain ng gulay at prutas ay masasabi ko na kahinaan ay ating nalalabanan,
Dahil hindi lahat ng masarap ay dapat nang ginagawa hindi porket masarap ang tsitsirya lagi mo nang ititira, Isipin mo rin ang maaaring epekto, sa kung ano ang kalalabasan sa’yo, sa kung anong sustansiya ang matatamo at sa mga sangkap na naka imprenta na sinasaad nito, ano ba ang benepisyo na makukuha mo rito… Diba wala?, nabusog ka lang sabihin na nating andaming mga bagay sa mundo ay kaya kang silawin sa magagandang anyo, pananalita, pangungumbinse sa mga ganitong kataga ay paunti-unti na tayong “Naloloko”, paniniwalaan yung salitang “Pangako” ngunit pagdating ng panahon ito’y mapapako…
at kung medyo naguguluhan ka na sa mga pahayag ko dito dahil pawang mga prutas, gulay, tsitsirya at mga pagkain na hindi masustansiya ang kaninang pinapatamaan ko, ang gusto ko lang na iyong mapagtanto… ay walang masama sa pagiging mapili, piliin mo kung ano ang makabubuti at ang mga hindi ay iyong itanggi,
kumbaga ihalintulad natin sa pagkakaibigan, piliin mo ang iyong kaibigan, dahil hindi lahat ng kaibigan na laging kasama mo ay makabubuti sayo, posibleng kaya ka nilang pasayahin, pakisamahan, pasarapin ang bawat araw na sila’y kasama ngunit maaaring sa bawat pagtiwala ay unti-unti ka na palang sinisiraan.
Ilagay natin sa halimbawa ng pagkain mo ng masasarap na pagkain at Oo, hindi nga ito masustansiya pero posibleng kaya ka nilang pasayahin, pakisamahan, pasarapin ang bawat tikim sa kanila ngunit maaaring sa bawat paglunok mo ay unti-unti ka na pala, nabibigyan ng kasakitan.
Sakit, na ang tanging lunas lang ay maging masustansiya, pero kung patuloy mong pangkakapitan ang bagay na nagdudulot sayo ng kahirapan ‘dibat tama na siya ay iyong iwanan at kalimutan?
Ang ibig sabihin ko lamang ay ‘wag kang masyadong magtiwala
Kahit pa sa mga pagkakataon na sila ay lagi mong kasama, siguro magiging maganda kung pagbibigyan mo ng pagkakataon ang iba,
dahil malay mo sila pala ang makatutulong sayo maging masustansiya,
Masustansiyang relasyon yaan ang susi sa masustansiyang buhay,
gawin mong leksyon ang mga naranasan mo para maging tulay,
Sa noong sira-sirang pangyayari na nailathala sa ‘yong tala,
at gumawa ng panibagong yugto na gagawa ng masasayang ala-ala.

  • Share:

You Might Also Like

0 comments