Baka Bukas Makalawa

By TINTA HUMSS 12 - March 24, 2019

by: Genesis

"Nag-iinarte lang iyan"

"Sus. Kulang lang yan sa pansin"

     Habang abala ang lahat na paligayahin ang mga sarili, mag-isa mong tinatakpan ang tainga mula sa ingay sa labas. Ganoon rin ay tinakpan mo ang iyong mga labi upang masigurado na hindi ka na makakapagbitaw ng ngiti.

      Paunti-unti ay nakulong ka sa sarili mong takot at ang tangi mo na lamang emosyon ay lungkot. Pero hindi naging sagot ang mga lubid upang wakasan ang sarili mong pulso. Dahil ang totoo, may naghihintay na purong kasiyahan sa iyo sa labas. At sa pagkakataong iyon, hindi mo na maririnig na sasabihin nilang "nag-iinarte ka lang".

     Ayon sa mga numerong inilabas ng World Health Organization noong 2014, umabot sa 4.5 milyong Pilipino. Gayundin, sa mga datos na kanilang inilabas ay pumapalo sa 800,000 ang bilang ng mga taong namamatay dahil sa suicide na dulot ng depresyon kada taon sa buong mundo. 

     Bilang isang indibidwal na mayroong lakas na magsalita upang matulungan ang sinumang iniinda ang depresyon, hindi pa huli ang lahat. Tanggap ka ng mundo. Pinili mo mang magkulong sa kwarto at isipin paulit-ulit ang mga bagay na nagpapaluha sa iyo, hindi pa huli ang lahat.

     Gayundin, sana ay masampal tayo ng respeto na huwag balewalain at gawan ng masamang impresyon ang sinumang biktima ng depresyon. Hindi natin alam, baka bukas makalawa, ikaw na ang masabihang,

"..nag-iinarte lang iyan".

  • Share:

You Might Also Like

0 comments