by: Jireh
Matalahib na paligid, marikit na espasyo at matarik na daan patungo sa bayan ng Antipolo. May malamig na simoy ng hangin, masayang ala-ala bitbit pauwi kalapit ng ngiti sa aking mga labi. May matataas na bundok, sinag ng araw at bato-batong akala mo ay kalat ngunit nagmistulang “beautiful disaster” dahil sa rock formation na onting tao lamang ang makakapagbigay pansin dito.
Inakyat ang mababatong daan patungo sa tanawin na nais maipamalas ang ganda ng nayon. Pagkatapos ay nagtungo sa Rizal na markado ng mga unang memorya, ng unang pagdayo. Mga ala-alang pilit binabalik, pilit na kinukubli. Ganda ng antipolo ay aking nasilayan, pagkatapos ay nagsimba kalakip ang pasasalamat at paguunawa sa mga bagay na aking hinaharap at natatanggap.
Ngunit kung iisipin ay hindi importante kung saan patungo at kung gaano kalayo ang mararating ng paningin at ng mga yapak papunta sa mga destinasyo na hindi natin inaakala. Dahil sa bawat saglit ay memorya ang nakabalakit na hindi matutumbasan ng kahit anong kapalit.
0 comments