K A H I R A P A N

By TINTA HUMSS 12 - March 11, 2019


by: Elizabeth


Isa sa mga problema  na kinakaharap ng ating mga kababayang Pilipino ngayon ay ang kahirapan. Problema kung saan  marami ang  mga pamilyang nagdurusa at walang magandang buhay. Bakit nga ba may kahirapan? Ano  nga ba ang mga sanhi nito? May pag-asa pa ba na malutas ang ganitong klaseng problema? Paano?

Isa rin ang paglago ng populasyon sa Pilipinas ang sanhi ng kahirapan. Isang problemang hindi mahanap-hanap ng solusyon. Kadalasan, kung  sino pa ang mahihirap,sila pa ang nagpapalago ng ating populasyon. Dahil dito,mas lumaki rin ang mga taong walang mahanap na trabaho at hindi nakakatanggap ng sapat na benepisyo mula sa gobyerno Ito ay marahil sanhi ng kahirapan sa bansa at kawalan ng trabaho para sa mga tao. Mas mahirap sa gobyerno na kontrolin ang mga mamamayan ngayon. Bukod doon, ilan din sa epekto nito ay ang kakulangan sa pagkain at trabaho. Mas tataas ang porsiyento ng mga taong walang  trabaho kung  masyadong maraming tao. Hindi kayang tulungan lahat ng mga nangangailangan. Dahil dito, mas marami ang mga taong nakatira na lamang sa lansangan dahil  sa kakulangan at kapus sa pera na siya ring  sanhi kung bakit maraming bata ang hindi nagkakaroon ng sapat na edukasyon.


Dahil na rin sa kahirapan, kadalasang napagkakaitan ang mga mahihirap ng oportunidad para makapag-aral. Karapatan nga raw ang edukasyon pero sa bansa nating ito, mas pinipili parin ng ibang mga bata na tumulong sa kanilang mga magulang upang may makain sila araw-araw. At dahil  dito ,mas nahihirapan silang makahanap ng maayos na trabaho dahil wala  silang sapat na esukasyon upang makapagtrabaho sa malalaking kompanya. Dahil sa kakulangan ng edukasyon at matinding  pangangailangan sa buhay.

  • Share:

You Might Also Like

0 comments